Bago pa maputol ang komunikasyon sa Tacloban, nakapag-live report pa kaninang umaga si Atom Araullo mula mismo sa Tacloban City. Nakunan niya ang bagsik ng pananalasa ng super bagyong Yolanda, pati na ang pagragasa ng baha sanhi ng storm surge.